Tuesday, September 17, 2013

Pagod ka na ba?


Kung mahal mo siya at pagod ka na. Walang problema.. Edi magpahinga ka. Wag yung hihiwalayan mo agad siya kasi pakiramdam mo pagod ka na. Minsan kasi may ibang dahilan talaga kaya mo nasasabi yung salitang pagod ka na.


Siguro isa na sa mga rason ang malaking pagkakaiba ng ugali nyo. Sa kilos, pananalita, pag aaral, trabaho, kinakain, pinapanuod, pinupuntahan, at iba pa..


Pero eto nalang ang tatandaan mo.. Pag pagod ba hiwalayan agad ang solusyon? Bakit hindi mo alalahanin lahat?


Kung paano ka nya napasaya noong panahong malugkot ka..
Kung paano ka nya dinamayan noong ikaw ang iniwan..
Kung paano ka nya binigyan ng dahilang magmahal ulit nung nasaktan ka..
Kung paano ka nya inintindi sa kabila ng mga masasakit na nasasabi mo sa kanya..
Kung paano sya nakinig sayo noong panahon na wala kang mapag sabihan ng problema..
Kung gaano ka ka-espesyal sa kanya kasi mahal na mahal ka nya...


Naaalala mo pa ba? Okay naman kayo diba? Ang saya nyo nga e, diba? Nagkataon lang talaga siguro na madaming gumugulo sa isip mo kaya naisipan mong makipag hiwalay kasi akala mo yun yung madaling paraan para mabawasan ang mga problema mo.


Hayaan mo, wag ka na malungkot. Inaantay ka nya ngayon at iintindihin ka nya. Mag-usap kayo at lawakan mo ang isip mo. 'Wag mo din pairalin ang init ng ulo mo para magkaintindihan kayo.


Tandaan mo.. Kung pagod ka, magpahinga ka lang at wag ka susuko.


Kasi mahal ka naman nya e. Mahal na mahal kita. ♥♥♥





No comments:

Post a Comment